WebClick Tracer

SPORTS

Brownlee, Harris pasiklaban sa Pasko

Mga laro bukas, Dec. 25 (Smart Araneta Coliseum)
4 pm – NLEX vs Phoenix
6:45 pm – Ginebra vs Magnolia

Balik ang Manila Clasico sa December 25 sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong unbeaten ang Justin Brownlee-led Barangay Ginebra San Miguel (3-0) at Magnolia na gigiyahan ni Mike Harris (2-0) sa PBA Governors Cup elims pa-alas-6:45 ng gabi.

Bakbakan naman sa four o’clock first game ng Christmas Day treat ang NLEX at Phoenix.

Bumabandera sa torneo ang Road Warriors, wala pang talo sa apat na laro. Nasa even 2-2 ang Fuel Masters.

Noong 2017 pa huling nagkaroon ng Clasico sa Pasko sa Philippine Arena sa Bocaue.

Si Hotshots team manager Alvin Patrimonio pa ang tumawag kay chief statistician Fidel Mangonon III para alamin ang record ng koponan sa Dec. 25 games.

Sa anim na laro, nakaka-isang panalo pa lang ang Purefoods franchise.

Apat sa limang talo’y natikman sa kamay ng Ginebra.

“Manila Clasico is always a battle,” ani Gin Kings coach Tim Cone pagkatapos ng 125-121 overtime win sa Phoenix noong Linggo. “I think both teams look forward to playing it.”

Mas kumportable pa ang Ginebra dahil may sixth man na sila. Puwede nang pumasok sa Big Dome ang fans, kailangan lang bakunado. Hanggang 4,000 lang ang pinapapasok, may distancing sa loob.

Sold out na agad ang tiket.

“It’s a big game for both teams because after two years the crowd is back,” pakli ni coach Chito Victolero ng Magnolia. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID