WebClick Tracer

NEWS

2 mananaya hati sa P27M Mega Lotto jackpot

Nasuwertehan ng dalawang mananaya ang jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw, ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahapon.

Paghahatian ng dalawa ang premyo na P27,879,938 matapos mahulaan ang winning combination na 18-29-03-25-15-39 sa Mega Lotto 6/45 draw Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa PCSO, ang isa sa mga tiket ay binili sa Las PiƱas City habang sa Bulacan naman ang isa pang nanalo.

Para makuha ang premyo, dapat magpunta ang dalawa sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City dala ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ang matatanggap nilang premyo ay babawasan pa ng 20% na buwis.

Ito na ang pang-apat na beses ngayong buwan na may naka-jackpot sa lotto. (Mark Joven Delantar)