Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2022 Asean Pare Games mas maagang gaganapin

0 143

Inindorso ng Association of Southeast Asian Nations Para Sports Federation (APSF) ang opisyal na kanselasyon ng 10th Asean Para Games (APG) habang isasagawa naman nito ang kasunod na edisyon na dapat sa 2022 sa mas maagang taong 2021.

Orihinal na nakatakda noong Enero 2020, ang APG na dapat na i-host ng Pilipinas, pero naharap sa iba’t-ibang kontrobersiya tungo sa pagka-delay ng paligsahan para sa mga differently-abled athlete.

Una itong ini-reschedule noong Marso dahil sa problema sa pinansiyal at logistical sa panig ng event organizers, bago na-postponed sa ikalawang pagkakataon at iniusog sa Oktubre 3-9 dahil sa COVID-19 pandemic, at tuluyang kinansela noong Hunyo 8. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.