2022 election tuloy kahit pandemya – Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na kahit nasa gitna ng COVID-19 pandemya ang buong mundo ay tuloy pa rin ang halalan sa Pilipinas pagsapit ng Mayo 2022.
Sa katunayan, ayon sa Comelec, pansamantala na nilang itinakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.
“The May 2022 elections will definitely push through. It is the mandate of the Comelec to conduct the elections in May 2022,” lahad ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa isang virtual press briefing nitong Huwebes.

“The commission is preparing for the 2022 elections…we already have the calendar of activities,” dagdag niya.
Katulad aniya ng eleksyon noong 2019, automated pa rin ang darating na halalan.
Matatapos naman aniya ang voter registration sa Setyembre 30, 2021. (Issa Santiago)