Abante Tonite Interactive

2022 presidential election makakaapekto sa Cha-Cha

0 231

Makakaapekto sa kapalaran ng Charter Change (Cha-cha) ang presidential election sa 2022, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Para kay Drilon, mahirap aniya magbigay ng prediksyon sa ngayon kung paanong boboto ang mga senador sakaling isalang sa botohan ang pagbabago sa Salingang Batas lalo pa at bago na ang komposisyon ng Senado.

“But what is becoming clear is the presidency in 2022 will play a huge role in how our colleagues will treat this renewed call for Charter change and decide on their vote,” sabi ni Drilon.

Abante Hiring – IT dep

Nauna rito ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes nang gabi sa panunumpa ng mga newly-appointed official sa Malacañang na kailangan nang baguhin ang Saligang Batas, federalism man o hindi, habang nakapuwesto pa siya. (Dindo Matining)