WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Mga laro sa PBA itinigil

Pinagpaliban ng Philippine Basketball Association ang lahat ng mga laro sa linggong ito habang nag-aabang ng kasagutan sa Games and Amusements Board (GAB) dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 sa Metro Manila.

Sinulatan Lunes ni PBA Commissioner Willie Marcial si GAB chairman Abraham Khalil Mitra at umaasang tutugon sa susunod na araw.

Pero bukod sa pagsang-ayon ng GAB, kailangan din ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang basbas ng Local Government Units (LGUs) upang maipagpatuloy ang reinforced conference.

Binalik ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang Metro Manila sa Alert Level 3 sa parehas na araw sanhi sa pagsirit ng pandemya matapos ang Kapaskuhan.

Bago ang pagtaas ng Covid, pinayagan na ang PBA sa 50% capacity crowd sa Smart Aranmeta Coliseum. Sinaksihan ang Christmas Day double header ng NLEX-Phoenix at Ginebra-Magnolia ng 4,843 manonood. (Sarah Jireh Asido)