WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Balik ng Govs’ Cup sisilipin

Nagkaroon ng linaw ang direksiyon ng PBA pagkatapos ng clarificatory talks ni commissioner Willie Marcial sa Games and Amusements Board.

Hinto muna ang mga laro ng Governors Cup ng Jan. 5-9 habang nasa ilalim ng alert level 3 ang Metro Manila hanggang Jan. 15 bunga ng tumataas na namaa ang kaso ng coronavirus infections.

Binigyan ng GAB ang PBA ng permiso na makapaglaro, pero sa ilalim lang ng bubble set-up.

May probisyon din ang reminder ng ahensiya na papayagan ang live audience sa venues pero ito ay kung papayagan lang ng nakakasakop na local government unit.

Bawal din muna ang scrimmages, limitado lang sa non-contact workouts na tig-limang players bawat session.

May special online meeting ang PBA Board Miyerkoles, pero wala pang napagkasunduang pinal.

“I-a-assess muna namin sitwasyon. Titingnan kung ano makakabuti sa PBA,” tugon ni Marcial nang hingan ng reaksiyon.

Kailangang desisyunan ng Board kung tuloy ang laro pagkatapos ng 9th o hintayin ang pagtatapos ng alert level status sa 15th. (Vladi Eduarte)