WebClick Tracer

METRO

3 tulak dinakma sa P61M shabu

Arestado ang tatlong suspek matapos na mahulihan ng P61 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng pulisya sa Taguig City, Lunes ng gabi.

Sa ulat ng tanggapan ni Brig. Gen. Remus Medina, hepe ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), kinilala ang mga nasakote na sina Christian Ely Caliwag Desiderio, 19-anyos; Jericho Torres, 19; at John Andree Santos, 22, pawang nakatira sa Taguig City.

Dakong alas-9:30 ng gabi, ikinasa ang buy-bust operation sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Sta. Ana kung saan nasamsam umano sa tatlong suspek ang siyam na kilo ng shabu na umaabot sa P61.2 milyon ang halaga.

Kasama rin sa mga narekober ang marked money na ginamit sa buy-bust, dalawang tig-P1,000 bill, at dalawang cellphone.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala naman sa PDEG sa Camp Crame para sa dokumentasyon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on