WebClick Tracer

NEWS

6 pasahero, 147 MRT staff na-virus

Nagpositibo ang 147 kawani ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa COVID-19 nitong Lunes.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, ang mga empleyado ay sumailalim na sa RT-PCR o swab test. Naka-isolate at home quarantine na aniya ang mga ito para hindi na makahawa pa.

Samantala, sapul din ng COVID-19 ang anim sa 48 pasahero nang isailalim sa ‘random antigen test’ ng MRT-3 nitong Martes.

Ang mga test ay isinasagawa sa apat na MRT-3 station: sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue.

Ang mga nagpositibong pasahero ay ‘di na pinayagan pang makasakay ng tren at pinayuhan na mag-isolate o makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ni Capati na patuloy pa rin ang serbisyo ng MRT-3 at papayagan pa rin ang 70% capacity ng mga pasahero. (Sherrylou Nemis/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on