WebClick Tracer

METRO

Droga buking sa face mask

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang mahulog umano sa hawak na face mask ang itinatagong shabu sa Quezon City, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ng Eastwood Police Station (PS-12) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Mark Gregory Mendoza, 36-anyos, residente ng Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Sa report, bandang alas-4:30 kahapon ng madaling-araw, papalapit umano ang mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality operation sa suspek upang sitahin ito sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Obrero Street, Brgy. Bagumbayan.

Pero nang mamataan ni Mendoza ang mga pulis ay kumaripas siya ng takbo subalit nakorner din ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nang inspeksyunin ng mga awtoridad ang hawak na face mask ng suspek ay bigla umanong naglaglag ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, City Ordinance No. SP-1515 Series of 2020 para sa Smoking in Public Place, at City Ordinance No. SP-2957 Series of 2020 sa hindi pagsusuot ng Face Mask laban sa kanya. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on