WebClick Tracer

SPORTS

Eala pang-8 pa rin sa ITF

Napanatili ni tennis ace Alexandra ‘Alex’ Eala ang world junior girls No. 8 sa International Tennis Federation (ITF) juniors January 11 rankings ngayong season.

May 1,481 points pa rin ang PH women’s tennis star gaya noong Enero 3 sa nasabing pag-akyat sa naturang posisyon pagkaraang umupo sa wakas ng taong 2021 na pang-10.

Pero mababa pa rin ito ng anim na hakbang sa nakaraang raong best ranking niyang No. 2 noong Oktubre 2020 sa likod ng doubles jrs title sa Australian Open katambal si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia.

Naabot niya uli ang No. 2 sa 2021 dahil sa kambal sa kampeonato sa 61st Trofeo Bonfiglio sa Milan at sa French Open jrs doubles din kapareha si Oksana Selekhmeteva ng Russia.

Kumakampanya na rin si Eala sa pro Women’s Tennis Association circuits para maabot ang world best ranking niyang 505th. (Lito Oredo)