WebClick Tracer

NEWS

Mga Manila health worker nauungusan sa benepisyo

Ipinahayag kahapon ni Manila Mayoralty Candidate, Atty. Alex Lopez na napag-iiwanan na ng ibang lungsod at munisipalidad sa bansa ang mga barangay health worker ng Maynila.

Sa isang panayam, sinabi ni Lopez na dapat bigyang halaga ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kapakanan ng mga health worker pati mga barangay tanod na palaging nakaumang sa panganib subalit hindi aniya nabibigyan ng sapat na honorarium at benepisyo.

“Bakit po hanggang ngayon, ang mga frontliner po natin sa lungsod tulad ng barangay health workers ay kailangan po ng honoraria? Ilang taon na ang COVID-19, wala pa, bakit ang Quezon City, may honoraria na at ang ilan pang maliliit na bayan sa Pilipinas?” dagdag pa ng abogado na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez.

Sambit ni Lopez na isa ring matagumpay na negosyante, kung sa iba pang bayan at lungsod ay nagagawang bigyan sila ng sapat na benepisyo, bakit hindi magawa sa Maynila gayong napakalaki ng pondong pumapasok sa lungsod.

“Nakalulungkot sa City of Manila. Napakarami pong pera, hindi ko maintindihan kung saan dinadala.”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on