WebClick Tracer

SPORTS

Saludar may pakunswelo

Sa kabila ng pait sa natapos na 2021 sa paghulagpos ng World Boxing Association minimumweight title nabiyayaan pa rin ng kunswelo si Vioctorio ‘Vic’ Saludar.

Ito ay nang mapasali pa rin ang 31-anyos, may taas na 5-3 at tubong Polomolok, Cotabato del Sur sa top 9 ng 105lbs class ng Ring Magazine.

Naglaho kay Saluda rang kanyang korona nang malasap kay Erick ‘Mini Pacman’ Rosa ng Dominican Republic ang 12-round split decision loss noong Dec. 21 sa balwarte ng Dominikano.

Bukod sa paglaho ng titulo hindi pa niya natangap ang ang pinirmahang ibabayad sa kanyang title defense.

Nasa ranking sina International Boxing Federation titlist Rene Cuarto at Pedro Taduran. (Aivan Episcope)