WebClick Tracer

SPORTS

Embiid bida vs Lakers

Late scratch si LeBron James (left knee soreness), hindi nakapalag ang Lakers sa dinayong Philadelphia 105-87 sa 76th National basketball Association 2021-22 regular season game Huwebes ng gabi sa Pennsylvania.

Sinabi ni coach Frank Vogel na day-to-day si LeBron.

Nagsumite si Joel Embiid ng 26 points, 9 rebounds at 7 assists para giyahan ang Philadelphia (29-19).

Binalikat ni Anthony Davis ang atake ng Lakers (24-25) sa isinumiteng 31 pts. at 12 rebs.

Dalawang 76ers fans ang na-eject dahil sa pambubuska kay Los Angeles veteran Carmelo Anthony.

“Unacceptable language and unacceptable behavior buy fans, is the simplest way to put it,” ani Vogel pagkatapos ng laro.

Paulit-ulit tinatawag si ‘Melo ng “boy”.(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID