WebClick Tracer

NEWS

Numero ng namatay sapol P20M lotto jackpot

Sinuwerte ang isang mananaya matapos niyang alagaan ang numerong tinatayaan noon sa lotto ng kanyang pumanaw na mga magulang.

Wagi ng P20,212,102 ang isang lalaki na tubong Nueva Ecija matapos matamaan ang winning combination sa Mega Lotto 6/45 draw noong Enero 14.

Sabi ng lalaki, ang sumaktong 24-31-20-17-13-18 ay dating numero na tinatayaan ng kanyang mga yumaong magulang.

Tinuloy niya ang pagtaya sa naturang kombinasyon dahil tingin niya’y may bitbit itong suwerte.

Sakto naman dahil nito lang ay kinuha na niya ang napanalunang jackpot sa opisina ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon sa lalaki, gagamitin niya ang pera na pang-negosyo at matubos ang sinanglang lupa. (Ray Mark Patriarca)