WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

LTO director timbog sa P48K kotong

Nalambat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang director ng Land Transportation Office (LTO) – Caraga Administrative Region matapos ang ikinasang entrapment operation, Huwebes ng umaga sa Butuan City.

Nakilala ang suspek na si Joel Rentoy Consulta, Regional Director ng LTO-Caraga, isang retiradong officer ng PNP, 58-anyos, at residente ng Villa Kareena, Barangay Baliok, Davao City.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni CIDG Director P/Gen. Ignatius Ferro, inaresto ang suspek bandang alas-8:15 kamakalawa ng umaga nang magsagawa ng entrapment operation ang CIDG Regional Field Unit 13 sa LTO sa Barangay Dagohoy, Butuan City matapos tanggapin ni Consulta ang halagang P16,700 mula sa isang agent na nagpanggap na biktima.

Nakumpiska mula kay Consulta ang isang envelope na may pangalan ng Shiloh Apra Technical School Inc. na naglalaman ng 16 piraso ng P1,000 bill, pitong P100 bill sa kaliwang bulsa ng kanyang pantalon, at nakuha pa ang isang envelope na may pangalang Breakdown-Fast Track Driving School na naglalaman ng 32 piraso ng P1,000 bill, tatlong piraso ng P500, at isang P100 bill na nakuha mula sa kanang bulsa ng kanyang pantalon, at isang iPhone 6.

Kasalukuyang nakakulong ang LTO exec sa PNP-CIDG habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, at RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa kanya. (Vick Aquino)