WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Rosario, Montalbo todo na mag-ensayo

Nakakapag-ensayo na sina Troy Rosario at Kib Montalbo, inaasahang makukumpleto na ang TNT sa restart ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors Cup elimination round sa Feb. 11 sa Smart Araneta Coliseum.

Inoperahan sa paa si Montalbo pagkatapos ng title run ng Tropang Giga sa 2021 Philippine Cup sa Bacolor bubble noong November.

Sa finals ng torneo din nagkaroon ng spinal shock at dislocated pinky si Rosario.

“Kib Montalbo is already practicing fully, and Troy Rosario is practicing fully,” balita ni coach Chot Reyes Linggo. “By the resumption of the PBA, I expect to have both of them back.”

Huling naglaro ang Tropa noong Dec. 26 nang takasan ang Rain or Shine 95-92.

Natigil ang season-ending conference nitong bagong taon (Jan. 5) nang sumirit ang mga kaso ng COVID-19 infections sa Metro Manila.

Kakailangananin ng TNT ang dalawa sa pagbabalik ng kampanya lalo’t marathon ang Tropa bago ang Feb. 24. Susunod-sunurin ang mga laro ng Tropang Giga para magkaroon ng preparasyon sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers window sa bansa.

Sasalang sa PBA restart ang TNT tangan ang 2-2 card. (Vladi Eduarte)