WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ronnie ‘ginayuma’ ni Loisa

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam para sa kanilang bagong project ng girlfriend na si Loisa Andalio, sinabi ni Ronnie Alonte na “going strong” ang kanilang relasyon ng kanyang love team partner.

Okay na ako eh. Kuntento na ako sa kanya. Kaya parang ang hirap din na sabihin ko sa kanya or magpaalam ako sa kanya ng ganun kasi okay na ako. Kuntento na ako. Once na nakuntento ka, yun naman ang importante. Once na nakuntento ka at kumportable ka, wala ka ng hahanapin pang iba,” ani Ronnie.

Kumpara raw sa showbiz couples, hindi naman niya ikinaila na dumaraan din sila sa mga pagsubok ang kanilang relasyon.
Gayunpaman, nama-manage raw naman nila ito at napag-uusapan kung anong gusot meron sila.

“Hindi naman namin masasabi na yung relasyon namin masaya talaga. Siyempre off-cam naman meron talagang nangyayari na hindi nila nakikita at nababalitaan,” ani Ronnie. “Kami naman ni Loisa, hindi kami lumalabas ng hindi kami okay. Kung magkaaway tayo ngayon, pag-uusapan natin para paglabas natin okay tayong dalawa. Hindi puwedeng magkaaway kami kasi hindi lang naman para sa amin yun eh, sa set din maaapektuhan kung magkatrabaho kami. Ayaw namin na may naaapektuhang iba or nadadamay. So papag-usapan naming,”pahabol niya.

Ilan namang mema ang nag-react sa rebelasyong ito ni Ronnie.

Anila, tila nawala na raw ang ‘chickboy’ image ng dating Hashtag member dahil naging “one-woman man” na ito.

Hirit pa nila, ‘ginayuma’ raw kaya ng aktres ang kanyang ‘boyfie’ ?O, sadya lang ‘bantay-sarado’ ng una ang huli lalo pa’t madalas silang magkasama sa bahay ng actor.