WebClick Tracer

SPORTS

Embiid, Sixers kinahon OKC

HABANG hinihintay ang availability ni James Harden, muling binitbit ni Joel Embiid ang Philadelphia sa 100-87 panalo kontra ini-host na Oklahoma City Biyernes ng gabi sa Wells Fargo Center.

Nambarako si Embiid ng 25 points, 19 rebounds – may double-double nang 10 at 11 pagkatapos ng first quarter. Umiskor ng 24 si Tyrese Maxey, may 17 pa si Tobias Harris sa 76ers (33-22).

Tanging ang 16 points ni Derrick Favors at 15 ni Lu Dort ang umangas sa Thunder (17-38).

Nakuha si Harden mula Brooklyn sa trade deadline nitong Huwebes para kay Ben Simmons.

Binigyan ng Sixers ng video tribute si Harden, mga kuha sa kanyang career na tinampukan ng The Beard suot ang No. 1 Philly jersey na sinalubong ng ovation ng naghihiyawang fans.

May iniinda pang hamstring injury si Harden, ngayong weekend inaasahang darating sa Philadelphia. I-e-evaluate muna siya ng team medical staff bago dedesisyunan kung kailan makakalaro (VE)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID