WebClick Tracer

METRO

Rescue volunteer inararo ng van

Nasawi ang isang babaeng fire rescue volunteer nang mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng isang van sa Sta. Mesa, Maynila kahapon nang madaling-araw.

Wala nang buhay nang idating sa UERM Hospital ang biktimang si Raquel Santiago, 34-anyos, nakatira sa Santolan, Pasig City.

Sinampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang drayber ng van na kinilalang si Teddy Toralde, 52-anyos, taga-Parañaque City.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, binabaybay ng van ni Toralde ang kahabaan ng eastward lane ng Ramon Magsaysay Boulevard habang sakay ng motorsiklo ang biktima sa northbound lane ng V. Mapa Street nang mabundol sa intersection dakong ala-1:15 nang madaling-araw ang likurang bahagi ng motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ng ilang metro si Santiago at bumagsak sa sementadong kalsada.

Isinugod naman ng rumespondeng ambulansiya ang biktima sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay. (Juliet de Loza-Cudia)