WebClick Tracer

METRO

P40M simot sa scammer na ‘AFP captain’

Nalambat ng pulisya ang isang lalaki matapos nitong matangay umano ang P40 milyon sa pamamagitan ng isang investment scam.

Ayon sa awtoridad, nakilala ang suspek na si Crisanto Galicia Rodriguez.

Sinabi ni Police Captain Noel Seno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite, nagpanggap din umanong kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang suspek, ngunit nang kanilang iberipika ay napag-alaman nilang hindi ito regular na miyembro roon.

“Nagpakita siya ng ID ng AFP with the rank of Captain, only to find out nung na-verify natin [that] he is not a regular member of the AFP,” lahad ni Seno.

Naaresto ng CIDG-Cavite ang lalaki sa isang entrapment operation kung saan tumanggap ito ng P75,000 marked money.

Dagdag pa riyan, nabatid na may warrant of arrests din ang suspek sa Caloocan at Bulacan dahil sa mga kasong estafa.

“His modus operandi: nagpapanggap siyang may konekta sa malaking developer construction firm. Itong complainant natin, hinihingan siya ng P500,000 para makapasok doon sa company na sinasabi,” kuwento pa ni Seno.

Sa ngayon, hindi pa rin umano naibabalik ni Rodriguez ang hinarbat na pera mula sa kanyang mga biktima. (Sherrylou Nemis)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID