WebClick Tracer

SPORTS

Harris, McDaniels ubusan ng lakas

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – NLEX vs Magnolia
6 pm – SMB vs TNT

Sasamahan ni Calvin Abueva sina James Laput (bone spurs surgery) at Rome dela Rosa (hamstring) sa injury list ng Magnolia sa pakikihamok sa NLEX sa first game ng PBA Governors Cup elims ngayong alas-3:00 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kulang sa manpower din ang Road Warriors (4-2), inabot ng injury sina Anthony Semerad (calf strain) at rookie Calvin Oftana (fractured hand) sa 110-100 loss sa Meralco noong Biyernes.

Karamiha’y nakaabang sa duwelo ng mga import na sina Mike Harris ng Magnolia at KJ McDaniels ng NLEX.

Kinabukasan matapos ungusan ng Hotshots (4-0) ang TNT 96-93 noong Biyernes, nakumpirmang may left calf strain si Abueva. Garahe ang The Beast ng hanggang dalawang linggo.

“Si Calvin nabigla talaga kami kasi natapos pa niya game,” ani coach Chito Victolero. “Akala niya cramps lang. Kinabukasan hirap na siya lumakad.”

Babawi ang Road Warriors mula back-to-back losses.

“Parehas kami, kulang. Medyo balanse lang sa injuries,” puna ni Victolero. “Who wants it more and kung sino mag-i-step up siguro du’n na lang magkakatalo.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID