WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ronnie sinugod sa ospital; Loisa ‘nagselos’ kay Julia

NI: ARCHIE LIAO

Masaya ang naging tsikahan ng magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte nang itampok sila sa Kilig Match. Isa itong benefit show para sa mga biktima ng typhoon Odette.

Sa nasabing show, sinabi nila ang mga bagay na pinagkakasunduan nilang dalawa.

Pareho raw silang dog lovers at marami silang mga alaga na ginu-groom. Regular daw na dinadala ito sa veterinary doctor.

Tungkol naman sa ilang detalye sa kanilang relasyon, sinabi ni Ronnie na grabe raw magselos si Loisa .Pero, sa ngayon nabawasan na ito ng halos fifty percent.

Aminado naman si Loisa na nagselos siya noon sa naging kapartner ni Ronnie dahil may pagkakataon daw na nakita niyang nagyayakapan ang dalawa kahit offcam.

May ‘times’ nga raw na kapag nagbibigay ng flowers ang boyfie sa kanya, may pabulaklak din ito sa ka-tandem niya noon.

Bagamat walang diretsahang tinumbok ang aktres, hula ng kibitzers ay si Julia Barretto ang tinutumbok ni Loisa na naging katambal ni Alonte sa isang serye.

Ngayon daw ay natuto na siyang mag-adjust lalo pa’t minsan ay hindi maiiwasan iyon sa love teams dahil may mga faney silang pline-please.

Sa tanong naman kung sino ang mas malambing sa kanila, sey ni Ronnie ay siya pero giit naman ni Loisa ay mas clingy siya sa boyfie.

Maalaga rin daw siya dahil may pagkakataon na isinugod daw sa ospital ang nobyo. Ito raw ay noong time na nagkaroon ng problema sa spine si Ronnie. Hindi ito makagalaw dahil sa sobrang pagod sa taping.

Sa question naman kung sino ang mas pikon sa kanila, ito raw ay walang iba kundi ang dating Hashtag dancer at actor.

Gayunpaman, between the two, mas palaasar daw si Loisa na minsan ay dinededma na lang niya para hindi na lumaki ang gulo, ayon kay Ronnie.

Si Loisa rin daw ang unang nag-I love you sa kanilang dalawa.

Tipo rin daw nito ang gurl na malakas ang loob sa text pero sa personal o pag kaharap mo na ay hindi makapagsalita, pambubuking ni Ronnie.

Tungkol naman sa kanilang hilig, favorite snack daw ni Loisa ang seaweeds.

Mahilig din daw ito sa seafoods like crab and shrimp samantalang si Ronnie raw ay umiiwas sa mga ito except fish . Ilang beses na raw kasing naospital ito dahil sa kanyang allergy sa ganoong klase ng pagkaing dagat.