WebClick Tracer

SPORTS

Williams, TNT nilango SMB

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – Meralco vs NorthPort
6 pm – Alaska vs Rain or Shine

Ikinalat ni Mikey Williams ang 22 sa kanyang 30 points sa fourth quarter at itinakbo ng TNT ang 96-81 win laban sa San Miguel Beer sa muling pasok ng crowd sa Smart Araneta Coliseum Miyerkole ng gabi.

Pagkatapos ng back-to-back losses sa restart ng PBA Governors Cup, angat sa 3-4 ang Tropang Giga.

“I had been down in my game the last two (games),” aniya sa pambawing laro mula 7 for 15 shooting sa 3s, anim dito sa final 12 minutes.

Nagbaba ng conference-high 27 rebounds si TNT import Aaron Fuller panahog sa kanyang 22 pts. at 6 blocks.

Hindi nakaporma ang bagong import ng Beer na si Orlando Johnson, 3 of 22 lang sa field tungo sa 12 pts. Napigil sa 3-3 ang SMB, humugot ng 22 pts., 14 rebs. kay June Mar Fajardo.

Umahon naman mula 14-point deficit sa third ang Magnolia para agawan ng panalo ang NLEX 112-109.

Umiskor si Mike Harris ng 31 para itulak sa 4-0 ang Hotshots.

Laglag sa 4-3 ang Road Warriors sa kabila ng game-highs 35 pts., 13 rebs. at 6 blocked shots ni KJ McDaniels. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID