WebClick Tracer

NEWS

E-sabong tatalupan ng Senado sa Feb 24

Itinakda na ng Senado ang pagsasagawa ng pagdinig kaugnay sa nakakalarmang epekto ng e-sabong sa bansa.

Kinumpirma ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na sa darating na Huwebes (Pebrero 24) itinakda ng Senate committee on public order na kanyang pinamumunuan ang pagdinig ukol sa isyu ng online sabong.

“Naka-schedule na kami sa Thursday next week sa umaga,” ayon kay Dela Rosa.

Nasa 29 sabungero na ang iniulat na nawawala nitong mga nagdaang araw at wala pang malinaw na dahilan sa kanilang biglang paglaho.

“I am quite alarmed at how e- sabong has ruined the lives of some filipino who are addicted to this particular mode of gambling and its consequential impact to our peace and order,” ayon pa sa senador.

May mga gumagawa na aniya ng masama dahil nalulong na sa e-sabong.

“Ganun talaga ang posibleng mangyayari, dahil online, hopeless na sila, frustrated na sila, talagang makakagawa ng illegal na gawain,” dagdag pa ni Dela Rosa.(Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID