WebClick Tracer

SPORTS

Tsukii sisipa ng tanso

PILIT na isasalba ni Filipino-Japanese Junna Tsukii ang nalasap nitong kuwestiyonalbeng kabiguan sa semifinal round sa pagnanais na makamit ang pangkunsuwelo na tansong medalya sa pagsabak nito sa ginaganap na unang leg ng 2022 Karate 1 Premier League sa Fujairah, United Arab Emirates simula pa noong Pebrero 18 hanggang 20.

Hindi naiwasan ng gold medalist sa women’s kumite -50kgs category sa 2019 Southeast Asian Games na si Tsukii na ihayag ang kanyang pagkadismaya sa Premier League na inimbitahan lamang ang ranked player sa World Top 32 dahil sa kaduda-duda nitong kabiguan Sabado.

“Karate sometimes gets points for strange techniques. It’s really frustrating,” sabi ni Tsukii. “But I will never give up. I will be grateful for this situation that makes me strong and move on. Thank you so much for always supporting me. Love you all. I’ll be fight for Bronze match in Sunday.”

Hawak ni Tsukii ang 2-1 abante sa puntos sa 1:10 minuto ng laban kontra Zhanobyrbay Molhdr ng Kazakhstan bago naganap ang magkasunod na pagpuntos ng kalaban upang mabigong makausad sa kampeonato.

Ang Premier League ay unang kompetisyon ni Tsukii matapos magwagi ng pilak sa Asian Championships sa Almaty, Kazakhstan noong Disyembre.

Nagwagi din ito ng tatlong gintong medalya mula sa Karate 1-Premier League legs sa Cairo, Egypt at Lisbon, Portugal, at sa Golden Belt Tournament sa Serbia. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID