WebClick Tracer

SPORTS

Artis, Batang Pier ungos vs Hotshots

Mga laro ngayon (Ynares Center, Antipolo)
3 pm – NLEX vs Rain or Shine
6 pm – Blackwater vs Ginebra

Nanaig si Jamel Artis sa shootout nila ni Mike Harris sa fourth quarter, at binangasan ng NorthPort ang Magnolia 103-101 Huwebes ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Bumomba ng 16 points sa final period si Artis tungo sa 42, 9 rebounds at 8 assists para isampa ang Batang Pier sa 2-5 sa PBA Governors Cup elims.

Sumabay ng 13 sa final 12 minutes si Harris tungo sa 34 pts., pero natikman ng Hotshots ang unang talo sa pitong laro.

Magkabuhol sa unahan ng standings ang Magnolia at Meralco na 107-95 winner sa Terrafirma sa first game.

Nilista ni Tony Bishop ang seventh straight double-double niya sa tono ng 26 pts. at 11 rebs., solido rin ang 18 markers ni Allein Maliksi sa Bolts.

Napigil sa 2-6 ang Dyip na pinangunahan ng 23 markers, 17 boards ni Antonio Hester.

Dumistansiya ng 71-52 sa third ang Batang Pier pero hinabol ng Hotshots.

Nagtulungan sina Artis, Arwind Santos at Jamie Malonzo para ipreserba ang panalo. Walang palitan sa buong 48 minutes si Artis, sa split free throws ay inilayo sa 103-101 ang kampo may 8 seconds pa.

Mintis ang wide open 3 ni Paul Lee sa buzzer. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID