WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Amy ‘inalila’ ni Belo

Sa kanyang vlog na Fun Fun Tyang Amy, sumalang sa Kasambahay for a Day Challenge ang It’s Showtime host na si Amy Perez.

Sa pagpasok niya sa bahay ni Dra. Vicki Belo, namangha na agad siya sa laki ng bahay nito.

Sa nasabing challenge, kumasa siya bilang kasambahay ng pamilya Belo sa loob ng isang araw.

Bukod sa personal na pinagsilbihan niya ang celebrity doctor at ang mister nitong si Hayden Kho, nagsuot pa siya ng uniform kapareho ng mga suot ng kasambahay. Credible siyang tingnan na katulong.

Sa kanyang panayam sa mismong kasambahay ng doktora, napag-alaman niya kung gaano ka-generous si Dra. Vicki.

Ayon sa kasambahay, si Vicki ang sumagot sa lahat ng gastusin niya sa ospital nang manganak siya.

Concerned din daw ito sa kapakanan ng kanyang mga manggagawa. Gusto niyang nagagabayan ang mga ito kahit na sa personal na aspeto ng buhay nila.

Ito rin daw ang nagiging takbuhan nila kapag nagkakaroon sila ng financial problem sa kanilang mga pamilya.

Ayon naman kay Tyang Amy, matagal na niyang kakilala at kaibigan si Dra. Belo. Saksi raw siya kung gaano ito kabait.

Sa hamon, bukod sa pagtitimpla ng kape at pagsisilbi ng pagkain, minasahe rin ni Amy ang doktora.

May pabonus pa itong pa-dance number na aniya ay added talent daw niya para ma-entertain ang mag-asawa.

Sa huli, niregaluhan ni Dra. Vicki ng bongga at mamahaling Neverfull Louis Vuitton bag ang TV host-actress.

Noong una ay napa-isip at napatanong si Tyang Amy kung pina-prank daw ba siya nito

Sa natanggap na gift, hindi naman naitago ni tyang Amy ang kanyang pagkabigla at tuwa , lalo’t bagong-bago pa ito at selyado na nakalagay sa box at paper bag.