WebClick Tracer

SPORTS

Embiid, Harden dinikdik Knicks

Walang nakapigil sa tambalan nina Joel Embiid at James Harden sa Madison Square Garden sa New York.

Umiskor ng 37 si Embiid, tumapos si Harden ng 29 points, 10 rebounds at 16 assists, at kinubabawan ng Philadelphia 76ers ang Kincks 125-109 sa 76th National Basketball Association regular season game Linggo ng gabi.

Nagsalpak ng season-high 39 free throws ang Sixers – bulto nito ang career at NBA season-high 23 ni Embiid.

“Unstoppable,” ang deskripsiyon ni Embiid sa tambalan nila ni Harden.

Angat ang 76ers sa 37-23, No. 3 sa East sa likod ng Heat (40-21) at Bulls (39-22).

Nang ma-fouled out ang centers ng New York na sina Mitchell Robinson at Jericho Sims, namiyesta na sa pick-and-roll sina Embiid at Harden.

“You’re rolling the big guy down the middle and it’s really difficult to come help and that’s when we got him rolling and getting all those fouls,” suma ni Philly coach Doc Rivers.

Giniyahan ng tig-24 points nina RJ Barrett at Evan Fournier ang Knicks (25-36), may 16 points, 10 rebounds at 7 assists si Julius Randle. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID