WebClick Tracer

SPORTS

Lee, Harris papasiklab uli

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – NorthPort vs Blackwater
6 pm – Meralco vs Magnolia

Salpukan ang early quarterfinalists Meralco at Magnolia sa nightcap ng double-header sa 46th PBA 2021-22 Governors Cup na balik na ulit sa Smart Araneta Coliseum mamayang alas-6:00 ng gabi.

Nasa unahan ng standings ang Hotshots Pambansang Manok (7-1), kabuntot ang Bolts (6-2).

Top eight ang bibiyahe sa playoffs pagkatapos ng 11-game eliminations, twice-to-beat ang Nos. 1-4 laban sa lower-ranked teams.

“’Yun talaga ultimate goal (top four),” ani Hotshots coach Chito Victolero. “Lahat ng mag-a-advance puro tough teams kaya kailangan ngayon pa lang dapat ratsada na team mo.”

Ayon Martes kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, sapat ang 8 wins para sa outright top four slot at win-once advantage, base sa huling tatlong edisyon ng parehong tournament.

Palapit sa target ang Meralco at Magnolia.

Sa pangunguna nina Paul Lee at Mike Harris, diniskaril ng Hotshots ang PBA debut ni NBA campaigner Shabazz Muhammad nang sagasaan ang San Miguel Beer 104-87 noong Linggo.

Lupaypay naman sina Chris Newsome, Cliff Hodge, Chris Banchero, Tony Bishop at Bolts nang masilat sa Alaska 93-92 sa buzzer-beater ni RK Ilagan noong Sabado. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID