WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Brownlee, Ginebra sokpa sa quarters

Mga laro sa Marso 9: (Araneta Coliseum)
3:00pm — TNT vs Terrafirma
6:00pm — Blackwater vs Magnolia

Tinapakan ng Ginebra ang silinyador sa fourth quarter para iwan ang Rain or Shine 104-93 sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Tumapos si Justin Brownlee ng 25 points, 10 rebounds at 7 assists para siguruhin ang biyahe ng Gin Kings sa quarterfinals ng PBA Governors Cup.

Umayuda ng 20 points off the bench si Christian Standhardinger, may 15 markers, 12 boards si Scottie Thompson at 9 points, 8 dimes kay LA Tenorio.

Inari ng Gins ang final 12 minutes 31-16 para umalpas sa 77-73 pagkakaiwan pagkatapos ng three.

Sa opener, lumagok ng 36 points at 10 rebounds si Mike Harris at tinambakan ng Magnolia ang Alaska 118-91.

Lamang sa 87-67 matapos ang three quarters, ipinahinga na ni coach Chito Victolero si Harris. Siniguro nina Jio Jalalon, Ian Sangalang, Russel Escoto na hindi madidiskaril ang top seeding ng Hotshots (9-1) sa eight-team quarterfinals.

Tinapos ng Aces at Gin Kings ang elims sa parehong 6-5, hihintayin ang resulta ng ibang matches para malaman ang ranking.

Out na sa playoffs ang Elasto Painters (3-8). (VE)