WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Joshua inangkin sa selfie

Hindi talaga matatapos ang pag-trend ni Joshua Garcia dahil lang sa kaniyang kaguwapuhan.

Kamakailan ay sunod-sunod na nag-viral ang mga TikTok videos niya.Umani ito ng milyon-milyong views at likes.

Ngayon naman ay maraming tagahanga ang umaangkin sa aktor dahil sa selfie nito sa social media.

Sa Instagram, ibinahagi nito ang ilan sa kaniyang sun-kissed skin selfie.

“Hola,” maiksing caption ni Joshua sa IG.

Narito ang komento ng mga tagahanga ng aktor:

“Panindigan mo yung kilig ko,” comment mg isang fan.

“Mine agad,” hirit naman ng isa.

“Ayan ka nanamn joshyyyy!!!” sey ng isa pa.

“Joshua ng buhay ko,” pahayag ng isa. (Sherrylou Nemis)