WebClick Tracer

SPORTS

TNT 3×3 biyahe sa quarterfinals

Tatlong come-from-behind wins ang tinuhog ng TNT para pumalaot sa quarterfinals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo Leg 3 sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado.

Malinis sa 3-0 ang Tropang Giga nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores at Chris Javier mula sa mga panalo sa Platinum Karaoke (21-20), Master Sardines (22-18) at Terrafirma 21-20.

Naitawid din ng Meralco at Limitless Appmasters ang tigalawang panalo.

Sa 10 points ni Tonino Gonzaga ay itinumba ng Bolts ang Ginebra 22-20, dinomina din ang Cavitex 20-10.

Minasaker ng Limitless ang Pioneer Pro Tibay 20-6 sa tig-7 points nina Brandon Ganuelas-Rosser at Reymar Caduyac, bago tinakbuhan ang Sista 20-13 sa pangunguna ng tig-6 points nina Jorey Napoles at Rosser.

Tuloy ang bakbakan ng 3-a-side ngayon sa Big Dome din. (VE)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID