Kaso vs may-ari ng shabu lab sa Caloocan City gugulong na

Inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa sa may-ari o kinatawan ng shabu laboratory sa Caloocan City, na magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), ESS, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) noong Biyernes na ikinakumpiska ng liquid meth, shabu ingredients, chemicals at paraphernalia.

Boss, 3 resto bar staff nasunog sa kotse

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng apat katao na nasunog matapos magliyab ang sinasakyan nilang kotse nang bumangga sa poste ng kuryente sa Barangay Anguiray, Amulung, Cagayan nitong Sabado ng gabi.

Kandidatong mayor nalusutan ambus

Masuwerteng nakaligtas ang isang kandidatong alkalde sa Calamba, Misamis Occidental matapos itong barilin sa batok ng nag-iisang suspek, kahapon ng umaga.

Pulis, 3 pa bulagta sa sabungan

Patay ang isang pulis at tatlong suspek sa nangyaring engkuwentro sa isang sabungan sa Calatagan, Batangas noong Sabado ng gabi.

6 dinakma sa serye ng buy-bust

Anim na suspek na kabilang diumano sa drug watchlist ang nasakote ng pulisya sa serye ng buy-bust operation na ikinasa sa Bulacan kamakalawa ng gabi hanggang kahapon nang madaling-araw.

5 dabarkads sa droga timbog

Swak sa bilangguan ang limang lalaki matapos mahulihan ng nasa P272,000 halaga ng shabu nang isailalim sa buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Sauyo, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Magdyowa kalaboso sa `bato’

Arestado ng mga operatiba ng pulisya ang isang mag-live in matapos na kumagat sa ikinasang buy-bust na isinagawa sa panulukan ng San Andres at F. Muñoz Street sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.