WebClick Tracer

OPINION

Nabiling lote may umaangkin

Magandang araw po attorney Claire!

Nais ko lamang po sana itanong kung may laban po kami sa lupa na nabili na ng aking tita. May dumating na umaangkin at kanya raw po ito at sinasabi na kasama po lupa ng tita ko na nakasaad sa titulo niya pero may deed of sale pong hawak ang aking tita.

Ano po kaya ang posible namin gawin Attorney Claire? May laban po kaya kami sa taong ito na ginugusto na parang bilhin po ulit namin sa kanya ‘yung lupang nabili na nang aking tita.

Salamat po,

Marilou

Ms, Marilou,

Kahit may titulo pa ‘yung tao na nagpapakilala na siya ang may-ari ay mas makakabuti na ipasuri at alamin ang totoong records sa Registry of Deeds na may sakop sa lugar dahil marami po ang mapangpanggap sa ngayon. Bago kayo matakot ay alamin din niyo kung ‘yung lupa na binenta sa into ay legal o baka naman ang nagbenta ay nagpanggap rin. Lahat ng ito ay masusuri sa Registry of Deeds. Kahit po may Deed of Sale na ang Tita mo pero ang lupang binenta naman pala sa kanya ay may tunay na may ari ay masasabi ko na kayo ang madedehado o walang laban sa sitwasyon na ito.

***

Kung mayroon naman pong legal na basehan ang bentahan sa tita at legitimate na seller naman yung nagbenta sa inyo ay mas makakabuti rin na ipasukat o survey ang lupang nabili para malaman kung na encroach ninyo yung lupa ng nagpapakilalang may ari. Dahil baka naman walang nasakop at inookupa ng tita mo ay tama pala.

Huwag mo munang makipagnegosasyon kahit kanino pa man o magbibitiw ng pera o pipirma sa anumang kasunduan hangga’t hindi niniyo nasusuri lahat ng papel.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID