WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

SethDrea fan inupakan si Ricci

Sa simpleng pagbati ni Ricci Rivero sa kaarawan ni Andrea Brillantes ay naging malaking issue na para sa mga SethDrea fan.

Sa Instagram, nag-post si Andrea ng larawan na kinuhanan sa kaniyang ika-19 kaarawan.

Umulan ng pagbati sa comment section ni Andrea mula sa iba’t ibang personalidad at kabilang na nga dito ang basketbolista.

“Happy Birthday, Drew!” comment ni Ricci.

Dahil dito, nagwala ang ilang netizen maging ang mga tagahanga ng tambalang Andrea at Seth Fedelin.

Narito ang ilan sa kanilang comment:

“@ricciiirivero respect nalang sa love team,” comment ng isang netizen.

“Cla nga ni ricci… hindi na nga cya binati ni Seth,” sey naman ng isa pa.

“Pwde nmn personal nlng sia mag greet kai blythe may pa drew pa daw. hindi ko sia binabash peo sa respito sa lt (love team),” hirit naman ng isa pa. (Sherrylou Nemis)