WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

4 paslit inalipin ng amo

Apat na kabataang menor de edad na pawang mga taga-Albay province ang nailigtas noong Lunes ng hapon mula sa mapanakit na amo na taga Nueva Ecija.

Sa ulat ni P Lt. Col. Palmyra Guardaya, ng San Jose City police, katuwang niya ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na nag-rescue sa mga kabataan.

Ang mga totoy na biktima na pawang residente ng Brgy. San Roque, Tabaco City, Albay, ay na-recruit umano bilang laborer ng itinuturong suspek na si Bernadita Boaquiña, 62, residente Carranglan, Nueva Ecija.

Gayunman ang nasabing mga kabataan ay naipasok bilang trabahador sa isang Ryan Gungon Escobar, 35, ng Brgy. Bantug, Carranglan, na inirereklamo umano ng pagmamaltrato.

Makaraang mai-rescue ang apat ay dinala sa Carranglan police office ang suspek para sa paghahain ng kasong qualified human trafficking. (Jojo De Guzman)