WebClick Tracer

SPORTS

Harris, Magnolia hirit ng Game 5

Laro sa Biyernes (Smart Areaneta Coliseum)
6:00 pm – Meralco vs Magnolia

Sa likod ni Mike Harris bumubuga ang Magnolia, tinakbuhan ang Meralco 94-73 sa Game 4 ng kanilang PBA Governors Cup semifinals series Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nangulit ng 34 points, 18 rebounds ang American import, may iniinda si Paul Lee pero tumapos ng 20 pts. para angklahan ang atake ng Hotshots Pambansang Manok. May 10 pts., 7 assists din si Jio Jalalon.

Hindi naitulak ng 22 markers, 16 boards ni Tony Bishop ang Bolts sa finals.

Winner take all sa Game 5 sa Biyernes sa Big Dome rin.

Balik-finals na ang defending champion Ginebra sa bisa ng 112-93 win sa NLEX sa Game 4 din ng kanilang hiwalay na serye.

Tumagay ng playoff career-high 47 pts., 10 rebs., 6 asts., 3 steals at 3 blocks ni Justin Brownlee para sa Gins.

Magic bunot ni coach Tim Cone si veteran gunner Jeff Chan na sumegunda ng 20 pts. Bumawi sa blunder noong Game 3 si LA Tenorio sa ambag na 14 pts. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID