WebClick Tracer

SPORTS

Mitchell, Jazz tinibag Lakers

Nganga na naman ang Lakers sa Salt Lake City nitong Huwebes.

Bumomba ng 29 points si Donovan Mitchell, sinegundahan ni Rudy Gobert ng 25 at 17 rebounds para hiyain ng Utah ang Los Angeles 122-109 sa 76th NBA 2021-22 regular season game.

“It was a huge win,” ani Mitchell matapos mapigil ang five-game skid ng Jazz.

Nag-ambag pa si Jordan Clarkson ng 19 markers, 18 kay Mike Conley.

Wire-to-wire ang panalo ng Utah (46-31) at nanatili sa fifth spot sa West.

Nasa labas na ng play-in bound teams ang Lakers, kabuhol ang San Antonio sa 31-45, pero hawak ng Spurs ang tiebreak kaya nasa 10th.

Hindi naglaro sa LA sina LeBron James (ankle sprain) at Anthony Davis (foot sprain).

Namuno sa Lakers ang 24 pts. ni Russell Westbrook. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on