WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bakbakang Sayyaf, militar: 2 todas, 9 sugatan

DALAWANG hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang siyam ang nasugatan sa nangyaring engkuwentro sa Basilan nitong Sabado, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

Sa inilabas na statement ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) nitong Linggo, dalawang ulit nagkaroon ng engkwentro ang tropa mula sa Joint Task Force Basilan at mga miyembro ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Pasil Bayali alas-7:31 ng umaga sa Barangay Sukaten sa bayan ng Sumisip.

Sinubukang tumakas ng hindi pa batid na bilang ng mga ASG sa unang engkwentro subalit inabutan sila ng tropa ng militar kaya muling nagkasagupaan.

Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Joint Task Force-Basilan commander, ang apat sa siyam na sugatan ay mula sa 64th Infantry Battalion (IB) habang ang lima naman ay mga tagasunod ni ASG leader Radzmil Janatul (alias Abu Khubayb).

Nasamsam naman ng militar ang mga naiwang baril ng mga terorista na kinabibilangan ng 3 M16 rifle, 20 long magazines, 5 short magazines, 3 bandoleers, at 619 rounds ng M16 ammunition. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)