WebClick Tracer

METRO

Kailangan ng tamang pagtitimon sa Bulacan – Sy-Alvarado

Ipinahayag kahapon ni Bulacan Gubernatorial bet Willy Sy-Alvarado na kailangan ng epektibong pagtitimon sa lalawigan upang maibangon itong muli sa daluyong na kinakaharap sa kasalukuyan.

“Tayo po ngayon ay nasa sangandaan na ang hinaharap natin ay walang kasiguruhan, nasa isang barko na ang tubig sa dagat ay hindi tahimik madaluyong at malaki ang alon dahil may parating na bagyo,” ani Sy-Alvarado na kasalukuyang bise gobernador ng lalawigan.

Aniya, sa loob 9 na taong panunungkulan hindi siya naging problema ng bansa sa halip ay naging bahagi ng solusyon. “Kung dumarating ang mga kalamidad tayo po ang tumutulong sa ibang mga lugar sa bansa at kung may kalamidad tumatayo ang lalawigan sa sariling mga paa… Ibabalik po natin ang dating panunungkulan na tinatanggap ang mga taga-lalawigan, walang sinisino, walang malakas at hindi kakampi kundi ama ng lalawigan na aniya’y kailangang pantay pantay pantay”.

Ayon pa sa vice governor na siyang gubernatorial bet ng Uniteam BBM-Sara tandem, kaya siya ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte at itinampok na standard bearer ng administrasyon ay dahil nakikita nitong kailangan ng timoner na magpapatakbo ng barko o kapitan na may karanasan, kaalaman at kakayahan upang maibangon ang Bulacan.

Ikinalungkot ni Sy-Alvarado na pinagbabayad na ngayon ang mga pasyente at pinabibili pa ng gamot gayong may 10 milyong pisong revolving fund na ipinagkakaloob si Pangulong Duterte buwan-buwan. Hindi aniya ito nangyari nuong panahon niya bilang gobernador.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID