WebClick Tracer

OPINION

Namatay na mister may iniwang utang

Hi po Atty. Claire,

Namatay po ang asawa ko last March 20, dahil sa aneurysm.

May naiwan po siyang 2 credit card(BDO at Citibank) na utang. Obligado po ba akong bayaran ang naiwan niyang utang sa 2 credit card. Wala po siyang naiwan na property,wala din pong insurance at savings. Meron po siyang kinuha na sasakyan under his name pero naka auto loan po yun sa bangko, hindi pa po fully paid.

If hindi ko ba bayaran ang utang niya sa 2 credit card, kukuhanin po ba ng mga creditor yung sasakyan? Hindi ko po kasi kayang bayaran ang monthly bills namin if babayaran ko pa monthly ang 2 niyang credit cards. Sana po ay matulungan niyo ako.

Maraming Salamat po.

L. Castillo

Mrs. Castillo,

Kung wala pong naiwan na property ang namayapa ninyong asawa ay hindi po ninyo obligasyong bayaran pa ang naiwan niyang utang. Ang namamana po ay ari arian at hindi po ang mga utang ng namatay.

Ang tungkol naman sa sasakyan na nakapangalan sa kanya ay maaari po iyang mahatak ng banko kung hindi babayaran ang monthly amortization. Ngunit kung babayaran naman ninyo ang balanse para sa kotse ay makipag-usap kayo sa banko kung paano ito babayaran at mailipat sa pangalan ninyo kasi baka pag binayaran ninyo iyan gamit ang sarili ninyong pera ay hindi naman ibigay ang OR CR o baka hindi sila gumawa ng cancelation ng chattel mortgage kung hindi mababayaran ang utang ng inyong asawa sa credit cards. May mga ganyang bank na nanggiipit ng dokumento kapag hindi bayad ang lahat ng utang ng asawa mong namatay. Kung ganun lang din ang mangyayari ay mas mabuti pa na bumili na lang kayo ng bagong sasakyan na nakapangalan na sa inyo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID