WebClick Tracer

NEWS

5 pulis yari sa dinukot na e-sabong agent

Nagsampa na ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kaso sa Department of Justice (DOJ) kahapon laban sa limang pulis kaugnay ng pagdukot sa isang master agent ng e-sabong sa Laguna.

Sa pahayag ng CIDG kahapon, ang limang pulis ay mga dating miyembro ng Provincial Intelligence Branch ng Laguna Police Provincial Office. Kasama rin umano sa kinasuhan ang ilan pang suspek na hindi rin tinukoy.

Nakilala ang limang pulis na sina PSSg Daryl Paghangaan, Patrolman

Roy Navarete, Lt. Henry Sasaluya, PMsg Michael Claveria at Patrolman Rigel Brosas.

Kasong `kidnapping/serious illegal detention’ at `robbery with intimidation and by a band’ ang isinampa sa DOJ laban sa mga suspek.

Positibo umanong ng ilang testigo batay sa testimonya ng mga ito at ilan pang ebidensiya ang mga suspek na siyang pumasok sa bahay ng biktimang si Ricardo Ricafort Lasco alyas `Jun’.

Nagpakilala umano ang mga suspek na mga miyembro sila ng National Bureau of Investigation (NBI) sabay inaresto ang biktima sa kasong large scale estafa sa bahay nito sa Barangay San Lucas 1, San Pablo City, Laguna.

Tinangay din umano ng mga suspek ang mga personal na gamit ng biktima at ng mga kaanak nito na nagkakahalaga ng P500,000 sa kabuuan at cash na P180,000.

Base na rin sa CIDG, si Lasco ay isang master agent ng e-sabong at isang real estate agent na nawala matapos dukutin ng mga suspek.

Limang kaso ang tinanggap ng duty prosecutor ng DOJ para sa `kidnapping/serious illegal detention’ at `robbery with intimidation and by a band’ laban sa mga suspek.

Matatandaan na nag-viral ang video nang dukutin si Lasco sa bahay nito kung saan makikita na nakuhanan na tinangay siya ng mga armadong lalaki mula sa kanyang tahanan. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on