WebClick Tracer

METRO

Problemadong senglot nagpakalunod

Tuluyang nasawi ang isang parking attendant nang tumalon ito at malunod sa creek sa Malabon City, kamakalawa.

Sa report batay na rin sa salaysay ng isang witness, alas 10:46 ng gabi nang makita nitong pasuray-suray ang lasing na suspek sa Barangay Longos, Malabon City.

Ilang saglit lang ay namataan nitong bigla na lang itong tumalon sa creek.

Sinikap ng ilang residente na isalba ang 31-anyos na lalaking biktima subalit bumitaw umano ito.

Pagresponde ng rescue operation ay wala nang buhay na naiahon ang katawan ng biktima.

Kwento naman ng kapatid, problemado sa kanyang pamilya ang nag-suicide na parking attendant kung saan minsan na rin itong nagtangkang magpakamatay.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID