WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

4 tulak tiklo, P4M shabu nasabat sa Taguig

Mahigit P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska habang apat na suspek ang nasakote sa buy-bust operation sa Barangay Ligid-Tipas, Taguig City noong Miyerkoles Santo.

Kinilala ang mga suspek na sina Amerigo Baldos, 39; Benedicto Barcelona, 50; Johncin Ochea, 24; at Francis Barcelona, 24. Itinuturing ng mga awtoridad na high-value target ang mga suspek.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang nasa 625 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P4,250,000.

Kakasuhan ang apat ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang buy-bust ng pinagsanib na mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Mobile Force Battalion, Sub-Station 5 at Philippine Drug Enforcement Agency. (Damien Horatio Catada)