WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Pangingikil ng rebelde sa Laguna, naawat

NAPIGILAN ng tropa ng pamahalaan ang isinasagawang extortion activity umano ng isang communist terrorist group sa Laguna kasunod ng engkuwentro nila noong Linggo, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Lt. Col. Danilo Escandor, na may mga concerned citizens na nagsumbong sa kanila kaugnay sa presensya ng mga armadong grupo sa kanilang mga sakahan kung saan nangingikil ng pera at pagkain ang mga ito.

Dahil dito ay agad na sumugod ang 1st Infantry Battalion sa ilalim ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army para sa security operation.

“The report turned out to be positive as the operating troops encountered more or less 15 communist NPA terrorists (CNTs) at Sitio Pinagtablahan, Barangay Magsaysay, Siniloan, Laguna on Sunday morning,” sinabi ni Lt. Escandor.

Isang komunista ang namatay habang wala naman sa panig ng pamahalaan ang sugatan o namatay. (Kiko Cueto)