WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Korte nabulabog sa `bomba’

Nabulabog ang mga court hearing at operasyon sa buong justice hall ng Gapan City, Nueva Ecija noong Lunes dahil umano sa `bomb threat’ na natanggap ng isang court employee.

Sa ulat ni PLt. Col. Alexie Desamito, Gapan City police chief, agad nagsagawa ng evacuation mula sa mga opisina sa justice sa mga bomb disposal unit upang matiyak ang kaligtasan ng lugar.

Ayon kina PCpl Jorge Magtalas at PCpl Ace John C Rayo, alas 8:45 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa tauhan ni lawyer Shiela Asunto, ng Regional Trial Court Branch 36,Gapan City Justice Hall ukol sa cellphone message.

Mula umano sa nagpadalang numero na +639168863963 ay nakasaad ang mensaheng “paalisin nyo polahat ng tao ngayon s gapan RTc at city hall may itinanim po pampasabogdyan at maaring sumabog anytime huwag nyo po ipagwalang bahala”.

Agarang nakipag-ugnayan si Desamito sa Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

Bago mag-alas-11:00 ng tanghali ay idineklara nang ligtas ang lugar at sinabing “hoax” ang banta.

(Jojo De Guzman)