Kakaiba ang kuwento ng first teleserye ni Xian Lim sa GMA-7, ang False Positive. Tungkol kasi ito sa gender switch na siya ang nabuntis sa halip na ang kanyang asawa na ginagampanan ni Glaiza de Castro.
First time of course ni Xian na gumanap na lalaking buntis at isa raw ito talaga sa malaking challenge sa kanya.
“’Yung mga nararamdaman or ‘yung mga mannerisms o ‘yung mga pinagdadaanan ng isang tao pag nabubuntis. So, I was asking a lot of questions at marami naman pong willing to help na mga naka-experience, mga mommies on set, to guide me, even ‘yung paglakad,” kuwento ni Xian sa virtual mediacon ng False Positive.
Marami rin siyang researches na ginawa at pinanood na mga pelikula para maging peg niya.
Bagama’t dramedy/fantasy ang genre ng Falso Positive ay seryosong tinatalakay ng serye ang gender equality. Naniniwala si Xian na dapat ding maranasan ng mga lalaki ang pagbubuntis.
“Parang dapat. I think, if lang, ha? I think, they should. Because it will open up their. . .’yung ego will be shattered, and we will learn a lot. I always hear this from my mom, sinasabi niya sa akin nun’g bata pa ako, “kung alam mo lang kung gaano kahirap ‘yung pagbubuntis ko sa ‘yo.’
“So I wish, we would have that opportunity just so we would have our respect would really level-up. Kasi, ni hindi namin mararanasan ‘yan, but I heard it’s a very painful process kaya mahal na mahal ng nanay ang kanyang anak because they have to go through that something very painful,” he said.
Nang matanong naman kung ready na rin ba siyang maging tatay in real life, ayon kay Xian ay hindi pa raw.
“Honestly, hindi pa po ako ready,” natatawa niyang sabi. “I think, I need the proper mindset for it.”
Matagal-tagal na rin ang relasyon nila ni Kim Chiu at marami na rin sa mga kasabayan nilang showbiz couples ay na-engage na or nag-settle down na. Asked kung may pressure ba sa kanya na mag-asawa na rin, sey ni Xi ay wala naman daw.
“Wala namang pressure, hindi ko naman nararamdaman ‘yun. Basta ‘yung kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, wow! Basta nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters,” he said.
Wala pa raw talaga sa usapan nila ni Kim ang pagse-settle down at sa ngayon ay ine-enjoy raw muna nila ang kanilang relasyon.
Samantala, magsisimula na ang airing ng False Positive sa May 2 sa GMA Telebabad mula sa direksyon ni Irene Villamor.