WebClick Tracer

NEWS

178 todas sa hagupit ni ‘Agaton’

Pumalo na sa 178 kabuuang bilang ang mga nasawi matapos salantain ng Tropical Depression Agaton ang bansa.

Ito ay base na rin sa ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles, Abril 20.

Sinabi ng NDRRMC na 156 sa mga nasawi ay naiulat na mula sa Eastern Visayas, 17 mula sa Western Visayas, tatlo mula sa Davao, at dalawa mula sa Central Visayas.

Umabot naman sa 111 katao ang nawawala habang walo ang sugatan dahil sa nasabing bagyo.

Pansamantala namang naninirahan sa 450 evacuation area ang halos 29,978 pamilya.

Sinabi ng NDRRMC na nakapag-abot na ng P63,886,919 halaga ng tulong sa mga apektadong lugar. (Sherrylou Nemis)