WebClick Tracer

SPORTS

Raptors sadsad sa 3 ni Embiid

Sa bisa ng late 3 ni Joel Embiid sa overtime, puro na sa 76th National Basketball Association 2021-22 second round ang Philadelphia.

Katiting na 0.8 seconds na lang sa extra period, nahulog sa net ang bato ni Embiid at tinakasan ng 76ers ang Toronto 104-101 sa Scotiabank Arena sa Canada Miyerkoles.

Lamang na ang Sixers 3-0, puwede nang walisin ang playoffs first round assignment sa Game 4 sa Linggo (araw sa Manila) na i-ho-host din ng Raptors.

Mula sa timeout para hindi gumalaw ang orasan, kinuha ni Embiid ang inbounds ni Danny Green at binitawan ang turnaround shot mula sa sulok.

Hindi na nakadiskarte si OG Anunoby sa huling posesyon ng Toronto.

Tumapos si Embiid ng 33 points, 13 rebounds nang pangunahan ang ahon ng Sixers mula 17-point deficit.

Namuno sa Toronto ang 26 pts. ni Anunoby. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID